Muling ipinagtanggol ni Justice Secretary Leila de Lima si President Benigno Aquino III, sa pagkakataong ito mula sa Senate investigation findings na ang commander-in-chief ang dapat na managot sa insidente sa Mamasapano noong Enero 25 na ikinamatay ng 44 na Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) commandos.

Sa isang ambush interview, sinabi ni De Lima na hindi dapat na isisi kay Aquino ang bawat aspeto ng “Oplan Exodus,” taliwas sa draft report ng Senado sa Mamasapano encounter na nagsasabing “the president should be ultimately accountable for the outcome of the mission.”

Binigyang-diin din ni De Lima na ang mga naging kongklusyon kapwa ng Senate joint committee at ng PNP Board of Inquiry ay dapat na suportahan ng ebidensiya para sa matagumpay na prosekusyon ng mga kasong kriminal sa korte.

“Ang dapat ingatan natin ‘yung mga hasty and reckless conclusions na just because alam ng Pangulo ‘yung operations ay he is now deemed to be really liable or deemed to be really accountable to each and every aspect of that operations,” sabi ni Justice Secretary.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!