Umaasa ang Boracay Island na bibisitahin sila ng mahigit 1.8 milyong turista ngayong taon, ayon sa Department of Tourism (DOT) at Aklan Gov. Joeben Miraflores. Ito ay higit na mas mataas ng 22% sa 1.47 milyhong turista na bumisita sa premyadong isla noong 2014. Naging punong-abala ang Boracay sa pagpupulong kamakailan ng ASEAN chief justices.

Ngayong Mayo, ito ang magho-host ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), kung saan magtitipun-tipon ang may 2,000 senior official at mga business leader mula sa 22 member-state ng APEC, bukod sa mga kinatawan ng media sa buong daigdig. Nangunguna sa paghahanda para rito si Malay Mayor John Yap, with Boracay Foundation Inc. (BFI), Department of Trade and Industry at iba pang ahensiya. Si BFI president Dionisio Salme ang chairman ng accommodation committee.

***

Sinimulan na ng Boracay Island Water Company ang pagtatayo ng P86 milyong Nabaoy Transmission Line na magpaparami ng water supply ng Boracay mula 14.5 million liters per day (MLD) hangang 20 MLD. Kabilang sa proyekto ang instalasyon ng isang 400-millimeter diamter ductile iron pipe na 5.5 kilometro ang haba na kokonekta sa Nabaoy River sa Caticlan (Malay) Water Treatment Plant upang matugunan ang pangangailangan sa tubig sa Isla dahil sa pagdagsa ng turista.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

***

Binabati natin ang pangasiwaan ng Station 9TV sa bago niogng 24-oras at libreng pagsasahimpapawid ng CNN Philippines, isang malawak na English news channel at website na inilunsad noong Lunes na umuugnay sa CNN Internatoinal at Nine Media Group. “We are thrilled to welcome CNN Philippines to the CNN family. Both CNN and Nine Media have worked exceptionally hard to make this a reality. We are confident the Filipino audience will embrace CNN Philippines and the unmatched news and information it delivers,” ani CNN Worldwide president Jeff Zucker. Si Ambassador Antonio L. Cabangon Chua, chairman ng Nine Media Group ang nanawagan para sa paglulunsad ng isang mahalagang milyahe para sa Nine Media at mga Pilipino saan man sa daigdig. “This is a news service they have never had before. We aspire to be a trusted name in news in the Philippines, We are proud to tell the story of the Filipino through the unique content we provide,” aniya. Congratulations po, Mr. Ambassador!