Tinanggal sa puwesto ang isang doktor na inireklamo ng pambabastos ng isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa Ilocos Sur.

Ang sinibak sa puwesto ay kinilala si Dra. Rossana Besavilla, obstetrician-gynecologist sa Gabriela General Hospital, na inireklamo ni PO3 Mary Grace Viernes, ng Santa Police Station, sa hindi nito magandang trato at pagmumura sa kanya noong ipasusuri niya ang isang biktima ng panggagahasa.

Ang kautusan ay nanggaling mismo kay Ilocos Sur Governor Ryan Singson matapos pirmahan ang dismissal order ni Besavilla.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina