Pormal nang kinasuhan ng tax evasion ang anak ng umano’y “pork barrel” scam mastermind na si Janet Lim-Napoles dahil sa hindi nito pagbabayad ng P17.88 milyong buwis.

Ang kaso ay inihain ng Department of Justice (DoJ) sa Court of Tax Appeal (CTA) makaraang mabigo si Jeane Napoles na bayaran ang kanyang tax liability mula 2011 hanggang 2012.

Ibinatay ang kaso sa lumabas na record ng CTA na ang nakababatang Napoles ay lumabag sa National Internal Revenue Code (NIRC).

Matatandaang ibinaba ng DoJ ang resolusyon nitong naghahatol kay Napoles na nagkasala sa kasong tax evasion noong Setyembre 11, 2014.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nag-ugat ang usapin sa pagsasampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P32 milyong tax evasion case laban kay Napoles.

Naging kontrobersiyal ang nakababatang Napoles nang i-post nito sa social media ang marangya nitong pamumuhay.