Sa nalalapit na rehabilitasyon ng Ayala Bridge, inilabas ng Metro Manila Development Authority ang isang traffic management plan noong Marso 18.
Ang full closure ng Ayala Bridge ay mula Marso 21 hanggang Abril 20 habang ang partial closure ay sa Abril 21 hanggang Hulyo 20.
Lahat ng mga behikulong patungo ng hilaga mula sa Romuladez Street ay maaaring kumaliwa sa Ayala Boulevard, kanan sa Taft Avenue, at dumaan sa Quezon Bridge o Jones Bridge. Ang mga nagmumula naman sa Roxas Boulevard o Taft Avenue ay maaaring dumaan sa Quezon Bridge o Jones Bridge patungong Quezon Boulevard.
Ang mga behikulo naman na patungong timog mula Magsaysay Boulevard, Legarda Street, at Lacson Avenue ay maaaring dumaan sa Nagtahan o Mabini Bridge, kanan sa M. Guazon Street (Otis) at dumiretso sa United Nations Avenue. Maaari rin silang dumiretso sa Quirino matapos dumaan sa Nagtahan o Mabini Bridge. Ang lahat naman ng behikulo mula sa P. Casal Street ay maaaring kumanan sa Carlos Palanca Road patungong MacArthur Bridge. - Tessa Distor