INDIAN WELLS, California (Reuters)– Nalampasan ng top seed na si Serena Williams ang maalog na pag-uumpisa upang mapigilan ang determinadong si Sloane Stephens, 6-7 (3), 6-2, 6-2, kahapon at umabante sa quarterfinals ng BNP Paribas Open.

Si Williams, sa kanyang ikatlong laban sa Indian Wells mula nang magdesisyong tapusin ang 14 taong boycott sa event, ay nakatanggap ng malaking suporta ngunit nahirapang makita ang kanyang tunay na porma.

Si Stephens, na umabot sa quarterfinals noong nakaraang taon, ay nagmukhang handang magbalik sa last eight matapos na dalawang ulit na ma-break si Williams sa laban ngunit sa huli, hindi niya napigilan ito na mapalawig ang kanyang winning run sa 14 matches.

Sa isa na namang mainit na araw, nakuha ni Stephens ang bentahe nang makuha ang 3-0 abante.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ngunit agad namang nakabawi si Williams, na hindi pa natatalo mula noong WTA Finals sa Singapore, at winalis ang sumunod na apat na games bago pa muling nakapag-serve ang kanyang kalaban.

Naglaro sa kanyang unang event mula nang mapanalunan ang ika-10 grand slam title at ikaanim sa Australian Open, nairekord ni Williams ang kanyang unang break sa third set upang kunin ang 2-0 kalamangan. Muli siyang nakakuha ng break sa seventh game at kumapit upang maisara ang laban matapos ang 2 oras at 6 minuto.

Sa iba pang laban, nakipaggitgitan ang Spaniard na si Carla Suarez Navarro upang makuha ang 7-6 (5), 3-6, 6-1 panalo laban sa Briton na si Heather Watson.