KUMPARA noong mga nakaraang taon ay bihira na lang nating mapanood sa TV ang aktor na bida sa ating blind item ngayon. Sa totoo lang, isa siya sa kinakainggitan noon pa man ng mga kapanabayan niya sa showbiz.

Nope, hindi dahil sa kanyang pagiging magandang lalaki, dahil may mga kapanabayan naman siyang higit na mas may itsura kaysa kanya. At hindi rin naman sa akting dahil never pa naman siyang nagkaroon ng acting award.

Ang kinaiingitan sa kanya ng mga kapwa aktor ay ang lifestyle niya. Marami ang nagtataka kung paano nami-maintain ng aktor ang kanyang pang-rich na lifestyle kahit na sa totoo lang ay bihira siyang magkaroon ng project.

Sey ng source namin, na isa sa halos kapanabayan ng aktor, nagtaka ang isang malapit na kabarkada ng bida natin kung bakit nakapagpundar ito ng condo sa Makati na milyones ang halaga at may dalawa pang mamahaling kotse at panay ang punta sa iba’t ibang bansa.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Natuklasan namin kung ano ang sekreto ng ating bida nang makausap namin ang isang dating sumasali sa male talent and personality search na naging malapit sa amin. Naikuwento sa kanya ng isang naging kliyente niyang bading na kagaya rin daw niya ay nai-booking na rin niya ang naturang aktor.

Kaya apir sila, dahil pareho silang escort ng mayayamang bading at matrona na siyempre pa ay limpak ang kabayaran.

“Sabi pa nga sa akin ng bading na nakasama ko, nakasama na rin daw niya si _____ (aktor) sa isang Asian cruise. Malaki raw ang ibinayad niya kay _____ dahil napakabait daw niya at lahat ng ipagawa niya, eh, walang siyang hindi ginawa,” pambubuking ng source namin.

Halos kapareho rin daw sa mga booking sa TV at pelikula ang negosasyon ng aktor sa mga kliyente niya sa escort service. Ibig sabihin, bago sumama ang aktor sa mga kliyente ay may pirmahan pa ng kontrata.

“Siyempre, kasama roon ang ibabayad sa kanya kada araw as escort, then iba pa rin ‘yung additional payment ‘pag may gagawin pa siya aside sa pagiging escort niya,” sey pa ng source.

Kasama rin sa kontrata ang hotel na titirhan nilang dalawa na dapat ay hindi pipitsugin at siyempre bilang bonus, dapat may pang-shopping pa si Aktor.

Kilala ba ninyo kung sinitch ititch? Esep-esep.... --Jimi Escala