ISULAN, Sultan Kudarat – Inireklamo sa Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 12 ng isang opisyal sa Sultan Kudarat State University (SKSU)-Glan extension campus ang umano’y pamamahiya at tangkang pananakit ng isang alkalde ng Sarangani sa tanggapan ng opisyal noong Marso 5, 2015.

Batay sa buod ng reklamo ni Omar Cristobal Hilbero, 60, may asawa, ng Barangay EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat, campus director ng SKSU, sa gitna ng pagtatalo nila ni Glan Mayor Victor James Yap Sr. tungkol sa ambag sa graduation sa unibersidad ay tinangka umano siyang suntukin ng alkalde at pinagsabihan umano ng masasakit na salita.

Sinabi ni Hilbero na ang nangyari ay nasaksihan ng nahintakutang mga kasama niya na sina Mary Grace Maglantay, guro; at mga estudyanteng sina Johnrose Marion Torno at Lealyn Albaracin.

Itinanggi na ni Yap ang akusasyon. - Leo P. Diaz

Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito