Sinuportahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang resulta ng imbestigasyon ng Senate joint committee at Philippine National Police (PNP) Board of Inquiry (BoI) na may pananagutan ang Pangulong Aquino sa madugong operasyon PNP Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni FVR may pananagutan ang Pangulo bunga ng umiiral na chain of command.

Kinontra ng dating Pangulo ang posisyon ni Justice Secretary Leila De Lima at Malacañang na hindi maaaring gamitin ang prinsipyo ng chain of command sa PNP dahil ito ay termino sa militar at umiiral lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bunsod nito, pinatunayan ni Ramos ang Executive Order No. 226 na kanyang inilabas noong 1995 kaugnay sa doktrina ng chain of command sa PNP.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Aniya, ganitong sistema na pananagutan nang tumatayong lider ay bahagi rin ng iba pang mga organisasyon maging sa pribado o gobyerno.

Nabatid sa dating lider ng bansa, ang EO ay umiiral pa rin ngayon at hindi kailan man ito binawi o inamiyendahan.

Bukod dito, muling ipinanawagan ni FVR kay Aquino na mag-sorry sa publiko bunsod ng sinapit ng 44 PNP-SAF, na napatay sa Mamasapano noong Enero 25.

Inihalintulad pa ang pag-sorry noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkakamali.

Magugunitang si Ramos ay kabilang sa mga founder ng PNP-Special Action Force.