Kinondena ng isang grupo ng manggagawa sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang patuloy na pagkakait ni SBMA Chairman Roberto Garcia sa tamang pagpapasahod sa mga empleyado.

Iginiit ng Concerned Employees of SBMA, na sobra umano ang biyayang natatanggap ng Chief of Staff ni Garcia na umano’y taun-taon na may umento na nagsimula sa P50,000 kada buwan noong 2011 hanggang sa halos maging P80,00 kada buwan sa kasalukuyan.

Taliwas ito sa pagtrato ni Garcia sa libu-libong empleado ng SBMA na naghihikahos dahil ayaw ipatupad ni Garcia ang tungkulin kahit inutusan na ito mismo ng SBMA board sa isang resolusyon na ipatupad ang Salary Stardardization Law.

Ngunit imbes na sundin ang utos ng SBMA board, isinasangkalan ni Garcia si Presidente Benigno Aquino III na sanhi kung bakit hindi pa nakatatanggap ng biyaya ang mga trabahador.

National

17 Pinoy seafarers na binihag sa Yemen, nakalaya na – PBBM

Sa pagmamatigas ni Garcia, sinampahan na siya ng kaso sa korte ng SBMA emloyees at sunud-sunod na ring batikos ang inabot niya sa locators ng Subic Freeport dahil sa sobrang buwis na ipinapataw sa mga ito.

Bilang administrador ng SBMA, ang rekord ni Garcia ang sinasabing pinakapalpak sa lahat ng humawak ng ahensiya simula pa kina Dick Gordon, Felicito Payumo at Armand Arreza na lumikha ng maraming trabaho at nagdala ng malalaking negosyo sa Subic Freeport.

Napag-alaman pa na base sa datos ng SBMA, hindi lumaki ang bilang ng mga bagong trabaho sa Subic Freeport at artipisyal na tumataas ang bilang nito dahil maraming kinukuha na contractual workers ang Hanjin shipyard na regular ding nagtatanggal ng malaking bilang ng empleado kada buwan.

Ayon sa mga tagamasid ng SBMA, hanggang ngayon ay bigo si Garcia na makakuha ng kahit isang malaking investor sa Subic Freeport at pinagtatakpan na lang ang kawalan ng kapasidad niya sa pambobola kay Pangulong Aquino.