Nora Aunor

NAKIMARTSA si Nora Aunor sa grupo ng Migrante sa Eastwood City noong Martes para gunitain ang 20th anniversary ng domestic helper sa Singapore na si Flor Contemplacion na pinarusahan ng bitay dahil sa akusasyon ng pagpatay sa kapwa niya kasambahay.

Si Nora ang gumanap bilang Flor Contemplacion nang gawing pelikula ang kuwento ng buhay nito sa direksiyon ni Joel Lamangan noong Hunyo 1995, at nagpanalo ng Best Actress award sa iba’t ibang award-giving body kasama na ang Cairo International Film Festival.

Nasubukan din ni Ate Guy na magtrabaho sa ibang bansa kaya malapit sa kanya ang grupong migrante at kaya sumama siya sa protestang laban sa administrasyong Aquino.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanguna ang superstar sa pagsasabing, “Nanatiling hungkag at ilusyon ang matuwid na daan at ang pagpapakitang tao ni Noynoy na ‘di na natin aasahan na magpapatupad pa ng matinong programa para sa OFW. Ang totoo po, si Noynoy ang pangunahing tagabenta, pahamak at pahirap ng ating kababayan.”

Bagamat sumagot ang Malacañang sa mga sinabing ito ng aktres ay humirit pa rin siya ng, “Ang importante sa akin ay ‘yung mga sobra niyang kapalpakan sa kanyang mga desisyon. Nandito rin po ako kasi sana po gumising na ang ating mga kababayan. Siguro naman po alam nila ang nangyayari sa ating pamahalaan. Gusto ko talaga bumaba na siya talaga sa puwesto.”

Hindi si Pangulong Noynoy ang naisip namin nang ibalita ito sa newscast kundi ang kapatid nitong si Kris Aquino na nagpahayag sa national television kasama ni Boy Abunda na sasagutin ang lahat ng magagastos ni Nora sa check-up, pagpapaopera at pamasahe saan mang bansa magipagamot ang lalamunan ng aktres.

Hindi na siguro naisip ni Nora na ang presidenteng tinutuligsa at pinabababa niya sa puwesto ay kapatid ng taong tutulong para maibalik na ang boses niya.

Pero mukhang hindi nakuha ni Nora ang simpatiya ng netizens dahil galit sila sa mga pinagsasabi nito. Pinasadahan namin ang threads sa social media at naririto ang ilang komento sa panawagan ng superstar:

“Mawalang Galang Ate Guy!!! Umalis ako ng ‘Pinas 2007 till now nasa ibang bansa pa rin ako! I dont think na kasalanan ng presidente kung walang trabaho diyan! Hindi siya ang may-ari ng mga company para mag-utos na i-hire lahat! Hindi namin mga OFW sinisisi ang gobyerno! Parang ang kapal naman ng mukha na kami ang nasa ibang bansa pero mga nasa ‘Pinas ang nagrereklamo! Mas maganda ang buhay namin sa ibang bansa. Nakakapagpadala kami ng maayos sa pamilya namin. Sana nag-ask muna kayo sa mga lehitimong OFW bago kayo nagreklamo para sa amin! Kung lahat inaasa n’yo sa presidente, aba! Ginagawa ninyong Diyos ang presidente para mag-Himala!!! Ikaw din matagal sa ibang bansa mas OK ka pa nga ‘coz USA ka nakapunta! Don’t tell me naging katulong ka du’n or caregiver?! Nakakabastos na kailangan gamitin pa kaming mga OFW para sa mga personal n’yong agenda!” reaksyon ni Reigh Reroma sa online post ng ABS-CBN, “

May nagsabi ring, “After sagutin ni Kris Aquino and Boy Abunda ang pagpapaopera mo sa US this year o kung kelanman ‘yun, ganyan pa gagawin mo? Sana tumahimik ka na lang at kahit hindi si PNoy ang Presidente, sadyang maraming walang trabaho sa ‘Pinas at maraming tamad. Gusto laging asa sa gobyerno! Magsariling sikap na lang at kayo rin ang giginhawa!”

Mula kay Mary Vina Sanggalang Alorro: “’Di ka yata nag-iisip, Nora kung mapatalsik c PNoy c Binay na ang papalit, e, di mas lalong di uunlad ang ‘Pinas dahil mas corrupt pa siya, eh, isip-isip din ‘pag my time.”

Galing naman sa grupo ng Negosyo at Bayanihan: “Matagal nang maraming OFW, hindi pa si PNoy ang nakaupo. Lasing ka na naman!”

Say naman ni Shaeena Garcia Lopez: “Ano ‘yari kay Nora Aunor, pati trabaho ke PNoy sinisisi? Am OFW pero I never put into my mind to blame PNoy for no job vacancies in Philippines kasi the truth is over populated na ‘Pinas kaya dami walang work plus the fact of corruption that cause of poverty in our country.”

Ayon naman kay CJ Brylle Sebute: “Ako OFW, Ms. Nora, sa tingin mo may isang taong tatayo sa ‘Pinas para bigyan kaming lahat ng trabaho diyan? Ikaw satsat ka nang satsat, kaya mo ba? Binayaran ka ba para mangggulo o nagpapasikat ka lang? May nagawa ka ba sa aming mga OFW? Manahimik ka na lang diyan, ‘wag kang manggulo, Ms Nora.”

Napagod na kaming magbasa ng mga reaksiyon laban kay Nora ng netizens at awa na ang naramdaman namin bigla sa nag-iisang superstar dahil imbes na makuha niya ang simpatiya ay mas lalo pang nagalit sa kanya.

Oo nga, bakit nga ba siya tumayo roon para makiprotesta, dahil hindi ibinigay sa kanya ang National Artist Award?

Hindi namin binibira si Ms Nora Aunor kundi ipina-aalala lang namin sa kanya na sa ginawa niyang pambabatikos kay PNoy ay ang kapatid nitong si Kris ang labis na nasasaktan na umakong ipagagamot siya.

Ilang tao na ang nangakong tutulong kay Nora para sumagot sa gastusin niya para maibalik ang boses niya, pero tila walang nangyari at heto may taong sasalo ng lahat, ito pa ang gagawin niya.

Tama rin naman ang sabi ng netizens, ‘isip-isip din pag may time’.