WALANG gaanong may gusto kay Nick Gordon sa pamilya ng kasintahan na si Bobbi Kristina Brown, ngunit nakatanggap siya ng simpatya mula sa pinsan ni Bobbi na si Jerod Brown. Ginamit kamakailan ni Jerod ang kanyang Facebook account upang ipagtanggol ni Gordon.

“For the record: Nick has cooperated with the police department, he has cooperated with my uncle Bobby’s request, he has given my family members as much information as he can,” lahad ni Jerod.

“He has been exploited on national television with hidden cameras that he had no idea about. He has given Kristina CPR which is one of the reasons why she is not dead till this day. He has been ridiculed and accused without any concrete evidence, yet he still hasn’t gotten the chance to visit his girl,” dagdag pa niya.

(Matatandaang sinabi ni Gordon sa publiko na pinalayo siya sa kasintahan. Gayunman, dumipensa ang kampo ng ama ni Bobbi na si Bobby Brown at sinabing si Gordon ay “offered an opportunity to potentially visit Bobbi Kristina” but “declined to meet the terms of any possible visit.”)

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Lumabas ang pahayag ni Jerod matapos ang pinag-usapang panayam kay Gordon ni Dr. Phil kasama ang kanyang ina kung saan inamin nitong dalawang beses niyang tinangkang magpatiwakal. “He cannot bear not being with Krissy, by her side,” pag-amin ni Michelle Gordon. “He’s dealing with it by drinking.”

Nagpahayag naman pagkatapoa nito ang tita ni Bobbi na si Leolah Brown sa TMZ na naghihinala ito sa inaasal ni Nick. “I believe Nick is manipulating Dr. Phil just like he manipulated my niece Bobbi Kristina,” pahayag ni Leolah. “I mean, that is what he’s doing...His habits and his actions are not conducive nor are they consistent with anyone that is concerned for somebody.”

Ngunit, ayon kay Jerod, “If everyone truly believes that Nick is the blame for this situation, wouldn’t you think he would already be locked up by now? #Facts” - US Weekly