Hiniling ng isang kapwa akusado ni retired Philippine National Police (PNP) chief Director General Avelino Razon sa Sandiganbayan Fourth Division na payagan siyang makalabas ng piitan upang sumailalim sa medical check up.

Hiniling ng negosyateng si Tyrone Ong na payagan siya ng anti-graft court na magpa-check up sa ano mang ospital ng gobyerno na may pasilidad para sa mga karamdaman sa mata.

“Accused Tyrone Ong has been suffering for several days of blurred vision, eye pain, and, severe bouts of headache/migraine which makes it hard for him to sleep and feeling nauseas during the day,” pahayag ng kanyang abogado na si Renato Callanta Jr.

Kasalukuyang nakadetine si Ong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa V-150 armored fighting vehicle na nagkakahalaga ng P400 milyon.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kamakailan, ibinasura ng Fourth Division ang petition for bail na inihain nina Ong, Razon at 13 iba pang akusado.

Bagamat ibinasura na ng korte ang kanyang kahilingan na makapagpiyansa, naghain si Ong ng mosyon na humihiling sa Fourth Division na magtakda ng piyansa na dapat niyang bayaran kaugnay ng kaso niyang malversation through falsification.

Binigyang-diin din ng mga abogado ng depensa na boluntaryong sumuko si Ong sa awtoridad at dapat itong bigyan ng puntos sa hiling na makapagpiyansa.