Max Collins

NAISIP ni Max Collins na boring na siya kaya kailangang may gawin siyang bago sa taong ito. Ito ang mabilis na sagot niya sa entertainment press nang tanungin siya kung bakit siya nag-pose ng sexy sa isang glossy mag sa pocket interview na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center sa executive lounge ng network.

“Kaya after four years pumayag na rin po akong mag-pose sa FHM men’s magazine,” sabi ni Max. “One week lang ang preparation, pictorial na agad kami after tanggapin nila ang suggestion ko na gawing classy but comfortable ang pictorial namin. Pumayag na rin si Mommy sa concept, suportado rin ako ng aking PPL Entertainment (talent agency na nagpapatakbo sa career niya). Natuwa ako nang nasunod naman ang gusto ko at maganda ang response ng mga fans nang magkaroon kami ng autograph signing.”

Bukod sa mommy niya, nagpaalam din ba siya kay Pancho Magno, ang kanyang kapwa Kapuso actor na nali-link sa kanya?

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

“No need po na magpaalam ako sa kanya dahil hindi naman kami, saka we’re not dating anymore. Saka career ko ito, bakit kailangan kong magpaalam sa kanya? Pero nasabi ko sa kanya iyong offer ng FHM noon, hindi raw siya in favor, at nababasa ko rin na nang tanungin siya tungkol doon, sinabi niyang kung siya ang masusunod, ayaw niyang mag-pose ako sa men’s mag. Sarili ko nang desisyon iyon at pinayagan naman ako ng mommy ko, kaya wala na akong dapat ipag-alala.”

Hindi na siya nakikipag-date dahil sa busy ang schedules niya ngayon.

“I’m too busy now, bukod sa afternoon prime drama series na Kailan Ba Tama Ang Mali? with Geoff Eigenmann and Dion Ignacio, may taping din ako ng Bubble Gang at live naman kami sa Sunday All Stars. May mga Kapuso regional shows pa ako. Ang gusto ko, mag-focus muna sa career, sana mas dumami pa ang projects at maging successful ang drama series namin.”

Biniro tuloy si Max na pareho silang single ni Geoff kaya may possibility na maging sila, lalo na at madalas ang kissing scenes nila sa kanilang soap na gumaganap sila bilang mag-asawa. Matagal na raw silang magkaibigan ni Geoff, pero wala namang ganoong issue sa kanilang dalawa.

Natanong din si Max tungkol sa pagkatalo ni Wyn-Wyn Marquez sa katatapos na Binibining Pilipinas, at 22, wala ba siyang balak mag-join din sa isang beauty contest? O takot siyang matalo tulad ni Wyn-Wyn?

“Hindi naman ako takot, nalungkot nga ako kay Wyn dahil alam ko she deserves to win, pero iba nga ang naging result. Ako po kasi, ayaw ko talagang mag-join ng beauty contest kahit may mga nag-iimbita sa aking mag-join, pero ang hilig ko talaga ang mag-artista. Si Wyn, noon pa sinasabi na niya talaga ang gusto niya ay mag-join ng beauty contest. Bagay naman talaga sa kanyang sumali dahil pinaghandaan niya iyon, at lahat kami sa Sunday All Stars natuwa nang makapasok siya sa Binibini. P’wede pa naman siya sumali ulit next year.”