What is happiness? Nakikipagtulungan ang United Nations sa pop stars upang makalikha ng isang playlist na nagtatanong, in musical form, ng walang kamatayang tanong na ito.
Isang kampanya ang inilunsad noong Lunes na humihiling sa mga tagapakinig sa buong mundo na magpaskil ng sa social media ng mga awitin na nagpapasaya sa kanila, at ang playlist ay ihahayag sa Biyernes sa idineklara ng UN na International Day of Happiness.
Ang mga curators na mag-a- assess sa mga kasagutan at magdedetermina sa playlist ay kinabibilangan ng British singer-songwriters na sina Ed Sheeran at James Blunt, US singer-songwriter John Legend, French DJ David Guetta at Portuguese pop star David Carreira.
Inanunsiyo ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, na hindi nakilala sa kanyang rock star persona, ang inisyatiba sa isang MTV-style video kung saan ibinigay niya ang kanyang boto sa 1970 hit ni Stevie Wonder na "Signed, Sealed, Delivered."
Sinabi ni Ban na ang awitin – kilalang paborito ni US President Barack Obama – ay kumatawan sa kanyang mga pag-asa para sa isang matagumpay na kasunduan sa climate change sa isang UN-led conference sa Paris sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.
Idineklara ng United Nations noong 2012 ang International Day of Happiness – na kasabay ng unang araw ng tagsibol sa Northern Hemisphere – matapos ang inisyatiba ng Bhutan, ang lupain sa Himalayan na sumusukat sa "Gross National Happiness" imbes na sa standard economic indicator.
"On this day we are using the universal language of music to show solidarity with the millions of people around the world suffering from poverty, human rights abuses, humanitarian crises and the effects of environmental degradation and climate change," ani Ban.
Noong nakaraang taon, ang International Day of Happiness ay inimbitahan ang music fans sa buong mundo na sumayaw sa patok na awitin ni Pharrell Williams na "Happy," na naging viral sensation.
Ang kampanya, na walang limitasyon sa genre, ay hinihiling sa music fans na magpaskil ng mga awitin sa social media na may hashtag na #HappySoundsLike. Ang playlist ay ilalabas ng streaming service na MixRadio. - Agence France-Presse