WASHINGTON (AP) — Isang envelope na naka-address sa White House ang nagpositibo sa cyanide matapos ang dalawang analysis, sinabi ng Secret Service noong Martes. Kinakailangan pa ang karagdagang testing para makumpirma ang finding.

Ang liham ay natanggap noong Lunes sa isang pasilidad na sumasala sa mga liham para sa White House at matatagpuan malayo sa bakuran ng executive mansion at mga nakapaligid na gusali nito sa sentro ng Washington.

Sinabi ng responsable sa kaligtasan at seguridad ni President Barack Obama at ng kanyang pamilya na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa liham, at hindi na muna magbibigay ng komento.
National

Davaoeño, wagi ng ₱157M sa Super Lotto!