Dapat na samantalahin ng jobseekers ang bentahe ng modernisasyon at pakinabangan ito nang husto sa proseso ng job application.
Ito ang payo ng Manila Bulletin (MB) Marketing Department Bien Avelino sa mga estudyante sa pagbubukas ng three-day university-wide job fairs sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Manila kahapon.
“They have to maximize the available resources, because everything is digital already,” aniya.
Ang MB ay mayroong online classified jobs portal - mbclassifiedjobs.com - na tumutulong sa mga jobseeker na makahanap ng trabahong nababagay sa kanila.
Sumang-ayon si UST Office of Alumni Relations Director Fides Maria Lourdes Carlos kay Avelino, na sinabing wala ang mga ganitong oportunidad noong sila ay mga estudyante.
“I graduated in 1985 under the College of Education, and we did not have jobs fair,” aniya. “That is why students today are very fortunate to have this kind of opportunity to help them along the way.”
Ang susunod na MB jobs fair ay gaganapin sa Marso 24 at 25 sa Glorietta Activity Center. - Jaimee Rose A. Aberia