Sinimulan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagrarasyon ng tubig upang matugunan ang pangangailangan ng 85,731 ektaryang sakahan sa Isabela, Quirino at Ifugao ngayong tag-init.

Ito ang inihayag ni NIA-Magat River Integrated Irrigation System (MRIIS) acting Operations Manager Wilfredo Gloria.

Gayunman, nilinaw ni Gloria na hanggang sa katapusan na lang ng Marso ang pagrarasyon ng irrigation water dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Magat Dam sa Ramon, Isabela.

Sinabi ni Gloria na aabot na lang sa 173.88 meter above sea level ang tubig sa Magat Dam at sasapat lang sa huling pagtatanim ng mga magsasaka sa huling bahagi ng buwang ito. - Rommel P. Tabbad

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon