Maisakatuparan ang ikalawang panalo para sa target na pamumuno ang pupuntiryahin ng Cebuana Lhuillier sa kanilang pagtutuos ng MP Hotel sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magkakaharap ang dalawang koponan sa nakatakdang triple header sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Sa pangunguna ng bagong acquired na manlalarong si Moala Tautuaa na nagposte ng 34 puntos at 13 rebounds, inungusan ng Gems ang unang nakatunggaling Cafe France noong Huwebes sa JCSGO Gym sa Cubao, 86-85.

Naibuslo ng FIl Tongan na si Tautuaa ang kanyang free throws sa nalalabing 2.7 segundo upang makumpleto ang comeback win matapos maiwanan ng 21 puntos sa third canto.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“We can’t afford to play complacent. Kailangan ipakita namin ‘yung sinasabi sa papel na malakas kami, at hindi kami puwedeng umasa na lang lagi kay Mo (Tautuaa),” pahayag ni Gems coach Boysie Zamar.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, magsisikap naman ang Warriors, na kasalukuyang nakatabla sa Letran College, na bumangon mula sa 60-87 kabiguan na natamo nila sa opening sa kamay ng dating Racal Motors team na ngayon ay tinawag nang Keramix.

Una rito, sasabak sa unang pagkakataon ang dating koponan ni Tautuaa na Cagayan Valley kontra sa AMA University na hangad din ang ikalawang sunod na panalo matapos ang opening day win laban sa baguhang Liver Marin, 89-81.

“Kahit nawala sa kanila si Tautuaa, malakas pa rin ang Cagayan so kailangan naming maging prepared lalo na sa defense,” pahayag ni Titans coach Mark Herrera.

Sa tampok na laro, sumalo din sa liderato ang tatangkain ng Keramix sa pagsalang nila kontra sa Liver Marin.

Bagamat baguhan, hindi umano puwedeng ipagwalang bahala ang Liver Marin, ayon kay Mixers coach Caloy Garcia, dahil batid niya na may gustong patunayan ang koponan.