Agaw-buhay ang isang electrician matapos pagsasaksakin ng kapitbahay nito nang tumanggi ang una sa hamon ng huli na sila ay mag-boksing sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nasa intensive care unit ng Manila Central University (MCU) Hospital si Sonny Thomas, 36, ng Forbey Alley, Barangay 143, Bagong Barrio, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang suspek na si Carlson Sanchez, 35, matapos ang insidente.

Ayon sa report, bandang 2:30 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Hosea Alley, Bagong Barrio, Caloocan City nang lapitan siya ng suspek at hinamon ng boksing sa hindi malamang dahilan.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Dahil may kalakihan ang pangangatawan ni Sanchez hindi lumaban si Thomas at nagpatuloy na lang ito sa paglalakad.

Dahil dito, nagalit ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Hindi pa nakakausap ng mga imbestigador si Thomas upang mabatid kung ano ang ikinagalit sa kanya ni Sanchez.