Arjo & Alex

MAGKAIBIGANG tunay sina Arjo Atayde at Alex Gonzaga kaya kahit hindi na magkatrabaho ngayon ay may komunikasyon pa rin.

Suportado ni Arjo ang mga project ni Alex katulad ng bago nitong seryengInday Bote na nagsimula na noong Lunes na pino-promote ng aktor.

Panay ang post ni Arjo ng poster ng Inday Bote na may caption na, “Sabay-sabay nating panoorin ang pinakabagong handog ng ABS-CBN at @dreamscapeph na siguradong tatama sa ating mga puso,#IndayBoteAhWaw let’s watch as @cathygonzaga has her BOTELICIOUS adventures along with @smokey_manaloto @mateoguidicelli and many more! Goodluck lex Will be praying for this kahit na alam kong sure hit na Congrats in advance Inday! Don’t forget the hashtag guys bago mag-TV Patrol.”

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Maging ang Unexpected concert ni Alex ay ipino-promote rin ng binata: “Pakyawin na yan! #AGfromtheEast#UnexpectedConcert to the people from the west! To the south! To the north! Punuin na ang Araneta hanggang umapaw! Get your tickets now!

“Never doubted this moment would come. Join me in supporting @cathygonzaga as she, #AGfromtheEastdoes her thing in the Big Dome! See you on April 25, 2015 8pm. Tickets are selling fast so bili na! Baka maubos agad! Proud of you, Lex! congratulations in advance ”

Kasama pati ang unang album ni Alex sa Star Records at may litrato siyang hawak-hawak ito: “AA from the West supports #AGfromtheEast out in all record stores nationwide. Go and grab your copies now! Congrats, Lex! @cathygonzaga.”

Ang alam namin ay nanligaw si Arjo kay Alex noong magkasama sila sa seryeng Pure Love, pero hindi pa raw handang magpaligaw ang dalaga kaya tumigil ang binata.

Hindi naging dahilan iyon para mahinto ang constant communication nila, naging mabuti silang magkaibigan, at hihintayin na lang ng aktor kung kailan bubuksan ng dalaga ang puso niya.

“Lagi naman niyang kinukumusta si Alex at alam ko, ina-acknowledge naman ni Alex ‘yun,” pambubuking sa amin ng taong malapit sa aktor.

Ilang tickets kaya ang bibilhin ni Arjo para sa Unexpected Concert ni Alex sa Abril 25 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum? --Reggee Bonoan