Upang makatulong sa manipis na supply ng kuryente at maiwasan ang brownout, hinimok ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na ugaliin ang pagtitipid sa kuryente sa alas-dies ng umaga hanggang alas-dos ng hapon o tinagurian nitong “10-2 o’clock habit.”

Sa 2015 Power Supply Outlook Forum para sa media na itinaguyod ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission noong Martes, inihayag ni Meralco vice president for utility and economics Larry Fernandez na ang nabanggit na oras ay madalas nagaganap ang pagsipa o pagtaas ng demand kaya’t nararapat na gumawa ng hakbang para mabawasan ang ginagamit na kuryente sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tipid tips gaya nang paglagay sa 25 degrees Celsius ang thermostat ng aircon.

“Sana gawin natin itong habit,” pahayag Mr. Fernandez.

“Ito ay para maibsan din ang bigat ng bayarin o bill sa kuryente kung saan tataas sa Abril at Mayo,” dugtong ni Mr. Joe Zaldarriaga, VP for External Affairs ng Meralco.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sinabi ni Fernandez na abot sa 46 sentimos ang madagdag sa April billing at 72 sentimos sa Mayo bunsod ng talumpung araw na maintenance shutdown ng Malampaya.