Kalokalike Face 3 Ultimate Kalokalike Vice Ganda Kalokalike Daniel Aliermo copy

ALIW na aliw kami sa Ultimate Showdown ng finalists ng Kalokalike Grand Finals sa Showtime last Saturday.

Nang una naming napanood ang Vice Ganda from Davao City, Daniel Aliermo ang tunay na pangalan, may kutob kaming malaki ang chance niyang manalo. Kasi nga, it was like seeing double dahil kinarir niya nang husto ang panggagaya sa real Vice Ganda mula sa kilos, taas, pananamit at hanggang sa ayos ng buhok. Sa timbang puwedeng magkatalo dahil slim si Vice.

At nang sabihin ng huradong si Jolina Magdangal na hindi siya magtataka kung ito nga ang mananalo, ‘yon na.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Bilib din ang isang guest sa audience na big star ang ibinigay sabay wikang, “P’wede ka nang magrtire, Vice Ganda.” Mabuti na lang at hindi pikon ang totoong Vice Ganda na ala Lady Gaga ang dating.

Nagwagi ng P300,000.00 ang Vice Ganda ng Davao City at runner-ups ang Katy Perry at Bruce Lee kalokalikes. At maging sa pag-iyak ay prim and proper ang fake Vice Ganda at madadama mo ang kaligayahang nararamdaman niya inside.

May consolation prizes na ibinigay and we thought deserving iyong gumaya kay Rene Requiestas na kung buhay pa ay tiyak na mapapahanga rin sa kanyang kalokalike. Tiyak na mapagkakamalan silang kambal. May feeling kami na sumablay siya dahil sa comedy skit na kanyang ginawa na ‘di gaanong wholesome.

What lies ahead para sa grand winner na si Daniel? Kung si Melai ay nagkaroon ng puwesto sa Banana Nite, bakit hindi ang Vice Ganda ng Davao? Paging, Direk Bobot. (Remy Umerez)