FEELING ni Amalia Fuentes, mother ni Liezl Sumilang Martinez, ay itsa-puwera siya sa libing o cremation ng anak sa Arlington nitong nakaraang Lunes kaya’t todo-todo ang kanyang hinagpis.
Unang-una, hindi man lamang daw nabanggit ng host habang nagmimisa ang pangalan niya at maging ang tatay ni Liezl na si Romeo Vasquez na umuwi pa galing sa California para sa last respect sa anak na namatay dahil sa cancer.
Trinato raw siyang “guest” lamang ng pamilya Martinez at hindi bilang miyembro ng pamilya.
“Alam n’yo ba kung bakit ako na-late? Hindi ko alam kung saan gagawin, sila-sila ang nag-decide, ‘yung mga best friends ang nag-decide. Ako, where was I? Nowhere, nobody talked to me. So for the longest time, I was never a part of their life but I was always there for her. The last time I talked to her (Liezl) she was alone in her bedroom and she was crying,” sumbong ng 74 year-old veteran actress sa media pagkatapos ng cremation.
“I can never replace Liezl. I was hoping na mauuna ako, I was thinking I will not experience this day which is the worst day of my life. I feel like, ako ang dapat mamatay,” matinding hinagpis ni Amalia.
Inakusahan din ng dating movie queen ang manugang na si Albert Martinez na inilihim sa kanya ang pinagdaanan ni Liezl simula nang ma-diagnose itong may kanser noon pang 2007.
Sey pa ng beteranang aktres, hindi niya inabandona ang anak kahit pa alam niyang hindi pa rin siya tanggap ng manugang dahil sa diumano’y panlalait sa kanya nang itanan nito si Liezl, noong dekada ‘80, panahong nagdadalaga pa lamang si Liezl.
Labag din sa kalooban ni Amalia ang inilabas na family photo nina Albert at Liezl during happy days at aniya’y pam-publicity lamang ang hangad ng mga Martinez sa kabila ng pinagdadaanan ng pamilya.
Kaugnay nito, naglabas na rin ng statement si Alyanna Martinez sa kanyang Instagram account at humingi ito ng privacy pagkatapos i-cremate ang kanyang ina.
Aniya sa kanyang IG post, “The painful process now begins as we head back to a home no longer with her and we start to slowly pick up the pieces and build together again our broken and grieving hearts.
“Mama is in heaven now and we ask for everyone to respect my family’s privacy as we continue to grieve and heal.”