Marso 18, 2005 nang tanggalin ng mga doktor ang feeding tube sa bibig ni Terri Schiavo dakong 1:40 ng hapon (Eastern Standard Time) sa utos ni Judge George Greer, na nagsabing hindi na siya maaaring pakainin at painumin sa pamamagitan ng bibig. Ilang oras bago tanggalin ang tubo, pinakiusapan ang kanyang magulang na lumabas ng silid.

Hindi nagawang labanan ng mga pulitikong Democrat ang pagsisikap ng Republicans na tanggalin ang tubo, at umani ito ng batikos mula sa abogadong si George Felos, na naging abogado ni Michael Sciavo, asawa ni Terri.

Marso 21, 2005 nang ipasa ng United States Congress ang Terri’s Law II, na nagpahintulot sa mga magulang ni Terri na maghain ng federal court review upang malaman kung hindi ipinagkait ang mga karapatan ni Terri. Pumanaw si Terri dahil sa malalang dehydration noong Marso 31, 2005.

Hinimatay si Terri sa kanyang tirahan noong Pebrero 25, 1990 at na-confine sa Northside Hospital sa St. Petersburg sa Florida.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3