Dalawang katao ang namatay habang tatlo ang nasugatan sa sunog na nagsimula sa itinapong nakasinding sigarilyo sa isang komunidad ng informal settlers sa Novaliches, noong Marso 17.

Kinilala ni Quezon City fire marshall, Fire Supt. Jesus Fernandez, ang mga namatay na sina Michele Perez, 20, at Reymel Santos Perez, 18. Kapwa mga residente ng Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City. Namatay ang dalawa sanhi ng 3rd degree burns at suffocation.

Nagsimula ang sunog dakong 12:20 a.m. sa loob ng isang bahay sa No. 15 Margarita St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Kumalat ito sa 11 pang kabahayan, na nakaapekto sa 20 pamilya at P200,000 halaga ng mga ari-arian ang nasira ng apoy. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula dakong 1:30 a.m. ng parehong araw. - Francis T. Wakefield
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race