Malaki ang pananagutan ni Pangulong Aquino sa Mamasapano incident dahil na rin sa pagpayag nito na makialam sa operasyon si Director General Alan Purisima na noo’y suspendido bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Base sa joint committee report, sinabi ni Sen. Grace Poe na lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkamali si Aquino sa pagkunsinti kay Purisima kahit na ito ay suspendido noong panahon na inilusad ang operasyon ng PNP Special Action Force (SAF) laban sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan,” at kakutsaba nitong si Basit Usman.

“Wala tayong duda sa balak ng Oplan Exodus ni Pangulong Aquino. Ang mali lamang dito ay ang pagkilala niya kay Purisima gayong suspendido na ito kaya nagkaroon ng pagdududa,” ayon kay Poe.

Aniya, malinaw din na hindi misencounter ang nangyari sa Mamasapano kundi isang massacre sa 44 miyembro ng PNP-SAF at malinaw na walang balak na buhayin ng mga pinagsamang puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi pa sa ulat na nilabag din ni Purisima ang Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority at maaaring itong sampahan ng kaso sa Ombudsman.

Sa bahagi naman ni dating SAF Commander, Chief Supt. Getulio Napeñas, nagkamali rin ito na nangkilalanin si Purisima bilang kanyang superior gayung suspendido na ito.

“Napeñas may also held administratively liable for inefficiency and incompetence in the performance of official duties and for conduct prejudicial to the best interest of the service,” batay pa sa ulat.

Lumabas din sa ulat na na nakialam din ang Amerika sa operasyon batay na rin sa mga testimonyang lumabas na nagsabing may anim na sundalong Amerikano ang nakibahagi sa Mamasapano operation.