ANGONO, Rizal - Bilang pakikiisa sa paggunita sa Kuwaresma, binuksan na nitong Lunes ang Semana Santa exhibit sa Angono, Rizal.

Ayon sa pamunuan ng Samahang Semana Santa, tampok sa exhibit ang may 60 iba’t ibang imahen na isinasama sa prusisyon tuwing Miyerkules Santo, Biyernes Santo at Pasko ng Pagkabuhay.

Ang mga nasabing imahen ay matutunghayan sa ground floor ng Formation Center ng Saint Clement Parish at kanang bahagi ng simbahan ng Angono.

Ayon pa sa samahan, bawat gabi ng exhibit ay may ginagawang Rosario Cantada o pagdarasal ng rosaryo na may kasamang awit.

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

Sa huling gabi ng exhibit ay magsasagawa ng Pabasang Bayan o pagbasa ng Pasyon.