Opening matches sa Marso 21 (TV5)
2:30 pm Cignal v Foton. (TV5 at AKSYON TV)
4:30 pm Phillips v Petron (AKSYON TV)
Nakatuon sa Petron Blaze Spikers ang limang iba pang koponan bilang “team to beat” sa inaasahang magiging maigting na aksiyon bunga na rin sa pagsabak ng mga de-kalidad na manlalaro at makabagong inobasyon sa prestihiyosong Philippine Superliga 2015 All-Filipino Conference sa Mall of Asia Arena.
Nagkakaisa ang Mane ‘N Tail Lady Stallions, Cignal HD Spikers, Philips Gold Lady Slammers, Shopinas Lady Clickers at Foton Tornadoes na malaki ang posibilidad na makatuntong sa kampeonato ang Petron kung saan ay huli nilang iniuwi ang korona sa PSL Grand Prix.
“Lahat ng team ay nagpalakas at siyempre po ay pantay-pantay na iyan pagdating sa laban,” sinabi ni Petron coach George Pascua.
“Lineup wise, team Petron ang to watch out for,” pahayag naman nina Philips Gold coach Francis Vicente, Foton Tornadoes assistant coach Ian Fernandez, Cignal coach Sammy Acaylar at Mane ‘N Tail coach Rosemarie Prochina.
Ipalalabas naman ng live ang lahat ng mga laro sa unang pagkakataon sa TV5 at Aksiyon TV41 habang ang tanging ang laro sa Marso 26 (Huwebes) na gaganapin sa Cuneta Astrodome ay slightly delayed.
Ilan sa technical innovation na isasagawa ay ang paglalagay ng microphone at headsets sa mga referee, gayundin ang video camera challenge sa playoff at sa finals
“We are here to face a different kind of ball. But we take the challenge that is why we partnered with Philippine Supeliga because we believe in the drama and beauty of volleyball,” pagmamalaki ni Sports 5 head Vincent “Chot” Reyes. “We are here also to give our collegiate players another viable source and opportunity with the Superliga.”
“SuperLiga offers a lot of opportunities in our players. We just not provide entertaining volleyball but also source of income for our players. Now on its third year, we hope that the league will complement and provide opportunities to the teams, officials and most of all, the players,” pahayag naman ni PSL Chairman Philip Ella Juico.
Ipinakilala naman sa ginanap na press conference ng PSL ang pinakabagong uniporme na isusuot ng manlalaro.
Idinagdag naman ni Reyes na maaaring mapanood ang mga laro ng live sa telebisyon habang makakakita rin ng iba’t ibang mga interview at sidelights na gagawin naman nito sa kanilang internet website, live streaming at maging sa kanilang live scores at statistics.
Tatlong taon na hahawakan ng Sports TV5 ang liga kung saan ay nangangako sila na muling palalawakin ang liga sa susunod na limang taon.