HINIHINTAY na lang ni Nikki Valdez ang resolution ng korte para tuluyan nang magwakas ang sigalot nila ng kanyang dating asawa na nakabase sa ibang bansa.

Nikki Valdez copyDalawang taon na simula nang ihain niya ang paghingi sa financial support para sa anak nila.

Kinabukasan ng anak nila ang nakasalalay. Naghahabol siya para sa anak nila at hindi para magkabalikan sila, sabi ng aktres nang mainterbyu namin sa prescon ng Inday Bote (na nagsimula nang umere last Monday).

Mag-isa lang siyang sumusuporta sa anak niya. Kaya no choice siya kundi kasuhan ang dating asawa. Suspetsa ni Nikki, mas pinaboran ng asawa ang kinakasama nitong bagong pamilya sa Canada kaysa anak nila.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Kuwento ni Nikki, maganda ang trabaho ng dating asawa at kayang-kaya raw nitong makapagbigay ng suporta sa anak nila. Nasa Canada ito kaya hindi siyempre nagkikita ang mag-ama.

Hindi niya masasabing in good terms pa sila ng ex-husband niya dahil hindi sila madalas mag-usap nito. Isa pa, may ipinaglalaban siyang karapatan ng kanyang anak na dapat lang nitong aksiyunan.

Kaya ipinagdarasal ni Nikki na ibaba na sana ang hinihintay niyang resolution ng korte. Gusto na raw niyang maging panatag ang kalooban niya. Itinuturing niyang malaking pagkakamali ang pagpatol niya sa lalaking may asawa na.

Sey ni Nikki, wala siyang alam sa totoong estado ng dating asawa nang sumama siya rito. Sa katunayan, kumalas agad siya at pinutol ang relasyon nila nang matuklasan niya na may ibang asawa pala ito. –Jimi C. Escala