Pangatlo sa isang serye - Hindi pa gaanong nakalilipas ang panahon kung kailan ang unang tanawin na sumasagi sa isipan kapag nababanggit ang Pilipipinas ay isang maliit na kubo sa ilalim ng puno. Maaaring ito pa rin ang nagugunita ng matatanda; marahil ay dahil ang nasabing tanawin din ang nagpapaalala ng panahong payapa at walang agam-agam sa kanilang kababaan.

Sa katotohanan, ang Pilipinas ay gumagalaw kasabay ng makabagong panahon, at ang tanawin ay nagbabago dahil sa pagtatayo ng malalaking pamilihan, mga planadong komunidad at ang mga nagtataasang gusaling yari sa bakal, salamin at kongkreto. Ang malaking kredito ay para sa pribadong sektor, na ang alab ay nagpapalakas at nagpapatagal sa tinatawag na real estate boom ilang taon mula nang tumama sa atin ang Asian financial crisis noong 1997. Sa pagdami ng mga lokal at dayuhang turista, lumalaki ang pangangailangan sa mga hotel at iba pang pasilidad. Kaya naman kahit mga kilalalang tatak ng mga hotel sa daigdig ay nakikilahok na rin sa pagtatayo ng mga hotel sa Pilipinas. Ang kahirapan ay mas matindi sa mga lalawigan kaysa sa mga lungsod. Sa aking pananaw, nakatutulong ang real estate boom upang mabawasan ang suliraning ito dahil ang positibong epekto ng industriya ay lumalaganap sa maraming lalawigan sa labas ng Metro Manila, mula sa Luzon hanggang sa Visayas at Mindanao.

Ang malalaking kumpanya sa real estate, gaya ng Alliance Global, Ayala, SM. Vista Land at Filinvest ay pawang naglulunsad ng malalaking proyekto sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng malalaking mall, mga master-planned communities, mga hotel at gusaling tanggapan para sa industriya ng business process outsourcing (BPO). Maganda rin ang epekto ng real estate boom sa negosyong tingian.

Maganda sa paningin ang pagbabago sa tanawin, nguni’t mas mahalaga ang ibinubunga nito sa mga mamamayan. Ang real estate boom ay lumilikha ng maraming trabaho, nagpapausbong sa mga bagong negosyo at umaakit sa mga entreprenor sa mga lalawigan. Dahil dito, dumarami ang nakikinabang sa pag-unlad ng kabuhayan kahit sa mga mahihirap ng pamilya. (Durugtungan)
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race