Nanawagan ang Philippine Task Force for Indigenous Peoples’ Rights (PTFIPR) sa gobyerno na itigil ang pagkukumpuni ng malakaing dam upang hindi maapektuhan ang mga ilog at mga naninirahan sa paligid ng mga ito.

Ayon sa PTFIPR, mahalaga ang mga ilog hindi lang sa buhay ng mga katutubo kundi maging sa pag-unlad ng kanilang komunidad sa kabuuan.

Anila, ang ilog ang kanilang pinagkukunan ng makakain at tubig para sa kanilang pamilya at pagsasaka.

Mahalaga rin ang mga ilog sa tradisyon at paniniwala ng mga katutubo, partikular sa kanilang pangangailangang ispiritwal, ayon sa grupo.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Sa ginanap na pulong ng mga mamamayan na malubhang naapektuhan sa pagkukumpuni ng mga dam sa Curitiba, Brazil noong 1997, idineklara ang Marso 14 bilang International Day of Action Against Dams.

Anila, marami ng kaso sa buong mundo na naitaboy ang mga katutubo mula sa kanilang ancestral home bunsod ng pagtatayo ng mga dam na nagdulot din ng kahirapan, gutom at kawalan ng trabaho sa mga ito.

Hindi rin nabebenepisyuhan ang mga katutubong itinaboy sa kanilang lugar sa elektrisidad na nalilikha ng mga itinayong dam.

Mayroon ding mga scientific study na nagsabing hindi nakapagpapaunlad sa isang lugar ang malalaking dam.

Nakasaad sa ulat ng University ng Oxford: “We find that even before accounting for negative impacts on human society and environment, the actual construction costs of large dams are too high to yield a positive return. Large dams also take inordinately long periods of time to get built, making them ineffective in resolving urgent energy crises.” - Chito Chavez