TULUY-TULOY na ang paggaling ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa kanilang bahay pagkatapos lumabas sa Asian Hospital sanhi ng isang aksidente a couple of weeks ago.

Balik-saya ang pamilya nina Senador Bong Revilla at Cong. Lani Mercado dahil sa mabilis na recovery ng kalusugan ng anak. In fact, sa FB account ni Cong. Lani, ibinahagi niya ang picture ni Jolo na nag-celebrate ng 27th birthday last Sunday, March 15. Kasama ni Jolo ang anak na si Gabriel na siyang nag-blow ng kanyang birthday cake at special guest nang araw na ‘yun ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang caption, pinasalamatan ni Cong. Lani ang Panginoon sa pagbibigay ng panibagong buhay at pagkakataon sa anak na si Jolo.

“I just thank God for the gift He has given you. You have missions to fulfill and goals to achieve, so go my Son.Take the armor of God and continue with life’s battles. We love you anak,” sey ni Lani. --Ador Saluta

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na