Di kalayuan sa aking tahanan, mayroong isang de-kariton na nagtitinda ng lugaw. Kabilang sa kanyang paninda ang pritong tokwa, nilagang itlog at tinapay na swak na swak sa masarap niyang lugaw at may kape pa. Kung Sabado o Linggo, sa oras ng meryenda, tinatanaw ko ang vendor na ito ng lugaw sa kanto. At kapag naispatan ko na siya, yayayain ko ang aking paslit na pamangkin upang magmeryenda. Completos recados ang lugaw, at bukod sa masarap, mura pa.

Isang makulimlim na hapon, habang kumakain kami at ipa bang kustomer, may isang lalaking pulubi ang nagmamasid sa mga kumakain. Lumapit ito sa vendor at pabulong na nagsabi, “Makahingi po sana ng kape.” Kumuha ng mangkok ang vendor at nilagyan niya iyon ng lugaw na may itlog at tokwa, binudburan ng bawang at paminta, iniabot sa pulubi kasabay ng isang kutsara. “Sa akin?” buong pagtataka at hindi makapaniwalang sabi ng gusgusing lalaki.

Tumango ang vendor at pinaupo siya sa isang bangkô na malayo sa iba pang kumakain. Sabi ng vendor sa pulubi, “Kasunod na ang kape mo.”

Nahiya ako sa aking sarili. Minsan, dahil sa aking pagiging abala, itinataboy ko ang naghihingi sa akin gayong mayroon naman akong maiaabot. Ngunit natitiyak ko na ang pulubing iyon ay nakalasap ng pag-ibig ng Diyos.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Noong panahon ni Jesus, pinili niyang makaulayaw ang maralita at mga inaapi. Namuhay Siya na maralita at nagpalabuy-laboy, at ang Kanyang ministeryo at nakaangkla sa pagmamalasakit sa mga walang-wala.

Lahat tayo ay pinagbilinan ni Jesus na magmahalan; ang ibigin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa atin sarili. Kung ito ang nakatatak sa ating isipan at damdamin, wala sigurong maralita sa ating paligid – sapagkat tintutulungan natin ang isa’t isa, sa abot ng ating makakaya, na mamuhay nang marangal at nakakapit sa Diyos tuwina.

Nakapag-alok ka na ba ng mangkok ng pag-ibig ng Diyos sa iyong kapwa? Sa iyong pagiging bukas-palad, pinaglilingkuran mo ang Diyos at marahil pinaglilingkuran mo rin ang isang alagad Niya na nakakubli sa gusgusing pulubi.