albert, bobby at alissa

SA ikalawa at huli gabing lamay sa burol ng mga labi ni Liezl Sumilang-Martinez sa Heritage Chapel ay maraming touching scenes na na-sight at nakunan ng picture si Yours Truly.

Sina Arlene Muhlach at Yayo Aguila ang nadatnan naming nag-eestima sa mga dumarating na para makiramay habang wala pa si Albert Martinez (the grieving husband), ang biological parents ni Liezl na sina Amalia Fuentes at Romeo “Bobby” Vasquez. Pero kumpleto ang tatlong anak nina Albert at Liezl na sina Alyanna, Alissa at Alfonso na nagluluksa man ay pilit na kinakaya ang nangyari sa kanilang ina.

“Okay kami... okay na...” sabi sa amin ni Arlene na tipong ang ibig niyang sabihin ay tanggap na nila kesa nga naman maghirap pa nang matagal sa sakit na cancer ang kanyang labs na pinsang buo na kasabayan niyang lumaki sa bahay noon ni Amalia.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Magkakasabay silang lumaki sa naturang bahay kasama sina Aga at Albert.

Sunod naming naispatan si Sharon Cuneta na tahimik na nakaupo sa may harapan ng kabaong ni Liezl. Ayon sa aming mga nakatsikahan ay may ilang oras na rin siyang naroroon at nang sunset na ay tumayo na siya para umuwi.

Pagkaalis ni Sharon ay siya namang pagdating ni Albert na sinalubong ng mahihigpit na yakap ng naroroong sina Snooky, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Boots Anson-Roa, Divina Valenica, atbp. Sunod na dumating si Romeo Vasquez na tumabi ng upo kay Albert sa harap ng ataul ni Liezl.

Dumating si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na tulad ng mag-amang Albert at Alfonso, ni Arlene ay naka-all black din ng suot. Mahigpit na nagyakap sina Vilma at Albert. Sa likuran nina Albert at Bobby umupo si Ate Vi.

Lumapit kalaunan si Bobby kay Ate Vi at nagkumustahan, nag-usap, kahit ilang dekada na silang hindi nagkikita at hindi nag-uusap ‘coz open naman sa showbiz insiders na minsan ay naging “sila”.

Pagkatapos nilang mag-usap ay muling bumalik si Bobby sa tabi ni Albert. ‘Tapos tumayo uli at pumunta sa ataul ni Liezl at matagal na tahimik na tumayo roon at parang kinakausap ang yumaong anak. Pero bago pa siya ay ginawa rin ito ni Albert na tila ba iyong eksena sa old movie ni Barbra Streisand na talaga namang so sad… so touching to watch.

Dumating si Amalia at nang magkita sila ni Ate Vi ay mahigpit silang nagyakap at matagal na nag-usap. Madamdamin ang pagtatagpo nilang dalawa at na-capture ko ang crying moment ng Star For All Seasons. Ikinuwento kasi ni Amalia ang labis na paghihirap ni Liezl habang lumalaban sa sakit.

Sa gawing kanan nina Albert at Bobby umupo ni Amalia pagkatapos nilang mag-usap ni ni Vilma. Si Daisy Romualdez naman ang nakatabi at nakausap Amalia. Dumating si Barbara Perez at tumabi kay Amalia kaya napagitnaan siya nito at ni Daisy.

Bumulong sa akin ang beteranang aktres na katabi ko ng... “Sana, magbati-bati na sila.” na ewan kung referring kay Albert at Amalia or Bobby at Amalia.

Finally, lumapit si Bobby kay Barbara at nagbatian sila ‘tapos napatingin sa kanya si Amalia kaya ang ginawa ni Bobby ay hinawakan ang kamay ng ina ng kanilang anak at nag-usap na. Magkatabi rin sila nang kumain, after the mass, that is, at nakaakbay pa si Bobby sa balikat ni Amalia.

Kinabukasan, Lunes, nakatakda ang cremation sa mga labi ni Liezl na siya raw nitong bilin at nais iuwi ang ashes sa bahay nila ni Albert.

Rest in peace, Liezl Mulach Sumilang-Martinez at maligayang paglalakbay sa iyong patutunguhan, to the kingdom of our Lord God, Jesus Christ.