OKLAHOMA CITY (AP)– Walang katiyakan kung hanggang kailan mawawala si Thunder forward Serge Ibaka dahil sa iniindang pamamaga sa kanyang kanang tuhod.

Sinabi ng isang tagapagsalita ng koponan kahapon na kumunsulta ang Thunder sa representation ni Ibaka at nagkasundo silang dalhin ito sa isang espesyalista sa New York.

Ang koponan ay nasa Dallas, kung saan nakaharap nito ang Mavericks.

Hindi nakapaglaro si Ibaka sa huling dalawang laro. Maganda ang kanyang naging laro bago nangyari ang injury, kung saan ay may average siya na 17.1 puntos at 9.4 rebounds mula pa noong All-Star break at mayroong 55 porsiyento sa shooting mula sa field.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Wala pa rin para sa koponan ang reigning MVP na si Kevin Durant dahil sa pinapagaling na injury sa kanyang kanang paa.

Ang Thunder ay kasalukuyang may isang larong abante sa New Orleans Pelicans para sa No. 8 spot sa Western Conference standings.