Hindi pa sumasabak si boxing legend Evander Holyfield, 52, makaraan ang pagwawagi kay Brian Nielsen noong 2011, subalit muli itong aakyat sa ring sa Mayo 15 sa Salt Lake City.
Sino ang kanyang makakalaban? Ito ay walang iba kundi si dating 2012 GOP presidential nominee Mitt Romney.
Ang bakbakan ay para naman sa charity.
“We’ll see,” saad ni Holyfield sa isang interview ng Fox Business Insider nang tanungin kung patatamaan niya ang 68-taon na politician.
“I just want him to stop hiding ’cause he’s gonna get the whooping,” pagpapatuloy ni Holyfield. “You can’t run and hide from me.”
Ang laban at ang inaasahang fund raiser ay para sa Charity Vision, ang organisasyon sa Salt Lake City na nagkakaloob ng surgeries at iba pang serbisyo sa poverty-stricken people na may vision problems sa mundo.
Sinasabing ‘di maganda na may tatagas na dugo sa pakikipagharap ng “Rumbling” na si Romney kay “Real Deal” Holyfield sa summer na ito.
Binalewala naman ni Romney ang panganib na kanyang kakaharapin kahit pa ito’y ay isa lamang sparring laban sa dating world heavyweight champion.
Aniya’y may ilalaan namang kahun-kahon ng tissue sa kapaligiran na magagamit din ng mga nagnanais manood sa kanila.
“It will either be a very short fight, or I will be knocked unconscious,” pahayag ni Romney sa interview sa Salt Lake Tribune. “It won’t be much of a fight. We’ll both suit up and get in the ring and spar around a little bit.”
May iba pang laban sa araw na iyon, kabibilangan ng mga totoong propesyunal, para sa May 15 fight card sa Rail Event Center sa Salt Lake City, kaya’t ang pressure ay ‘di naman nakatuon sa dalawang aging sluggers.