Isang 45-anyos na lolo ang namatay matapos saksakin ng kanyang kapitbahay na nagwala nang hindi niya ito imbitahan sa kaarawan ng kanyang apo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Eduard Mabagos, naninirahan sa Block 10, Lot 10, Morning Ville, R. Jacinto Street, Barangay Canumay ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang suspek na si Noel Macabenta, 43, nan kinasuhan na ng homicide.

Ayon kay P/Chief Inspector Noel D.Ramirez, hepe ng Station Investigation (SIU), bandang 9:00 ng gabi, nagkakasayahan sa bahay ni Mabagos dahil sa kaarawan ng kanyang apo. Dumating ang suspek at galit na binangga sa balikat ang biktima na nakatayo sa labas ng bahay. Nagkasuntukan ang dalawa hanggang sa awatin sila ng mga kapitbahay. Subalit makalipas ang ilang sandali bumalik si Macabenta na may dalang kutsilyo at hinamon ng away si Mabagos.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Ayon sa mga kapitbahay, nagalit si Macabenta kay Mabagos dahil hindi ito inimbita sa birthday party.