Philippine News Agency—Sinabi ng World Meteorological Organization (WMO) noong Lunes na matapos ang mahigit limang buwan ang surface temperatures ng dagat sa Pacific Ocean ay nanatili at malapit na sa borderline hanggang sa mahinang El Niño levels, taya ng karamihan ng mga modelo na ang El Niño ay magsisimulang mabubuo sa kalagitnaan ng taon.

Ayon sa El Niño updates ng WMO, ang tropical Pacific Ocean surface temperature anomalies mula Oktubre 2014 hanggang sa kasalukuyan ay 0.5 hanggang 1.0 Celsius degrees above normal, na naabot o nalagpasan ang El Niño thresholds.

Batay dito, hinulaaan ng WMO na ang El Niño ay mabubuo sa kalagitnaan ng taon.

Ang El Nino, salitang Spanish para sa isang batang lalaki, ay ang pag-init ng sea surface sa Pacific na nangyayari kada apat hanggang 12 taon.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3