“Ready For Occupancy!”

Ito ang mga mensaheng nakalagay sa mga gate ng itinalagang billeting quarters para sa mga atleta at opisyales na kalahok sa 2015 Palarong Pambansa sa Davao del Norte sa Mayo 3 hanggang 9.

Naganap noong nakaraang Biyernes ang draw para sa magiging billeting assignments ng lahat ng mga rehiyong kasama at tanging ang mahigit sa 10,000 mga atleta at opisyales ang kulang na lamang sa lugar.

“We are proud to say that every billeting center is “Ready For Occupancy!,” ayon kay Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario. “Similar with our playing venues, we are ready to host the Palaro anytime, even tomorrow.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maituturing na kakaiba ang Davao del Norte sa ibang mga naunang host ng Palarong Pambansa dahil sa pagkakaroon nila ng strategic location para sa kanilang billeting facilities sa main venue ng kompetisyon- ang Davao del Norte Sports Complex- ayon pa kay Del Rosario.

“Travel time from the billeting areas to the competition venues and back will be convenient to everyone,” pagmamalaki pa nito.

Pinagtuunan ng pansin ang road safety sa maximum na 35 kilometer per hour sa paligid ng kapitolyo hanggang 60 kph sa pamamagitan ng paghahatid ng mga atleta at opisyales sa sports complex sa loob lamang ng isang minuto hanggang 39 minuto.

Sa itinalagang 22 billeting facilities, tatlo lamang ang nasa labas ng 5-km radius mula sa sports complex.

“The athletes could just even walk to the competition if they would desire to,” ani Del Rosario.