Gumastos ang Commission on Audit (CoA) ng aabot sa P71.3 milyon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ang pag-aamin ng CoA, binanggit na ang nasabing pondo ay inilaan sa consultancy expenses, pagpapa-upgrade ng information technology software at equipment, at pagbili ng mga closed-circuit television (CCTV) camera noong 2012 at 2013.
Nilinaw ng CoA na nakatanggap din ang ahensya ng aabot sa P143.7 milyon mula sa DAP bago ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang programa noong nakalipas na Hulyo ng nakaraang taon.
Binigyang-diin ng ahensya na itinigil nila ang paggamit sa nasabing pondo at ibinalik sa National Treasury ang P65.1 milyon noong Agosto 2014.
Sa kanilang 2013 Report, binanggit ng CoA na nakatanggap ang ahensiya ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P143.7 milyon para sa IT infrastructure program at sa pagkuha ng karagdagang litigation experts.
Nagamit anila ang P4.7 millyon sa consultancy services, P64.5 milyon sa IT software, P49,697 milyon para sa furniture at fixtures at P1.9 milyon para sa CCTV expenses.