Kinasuhan kahapon ng arson si Talisay City Mayor Johnny Delos Reyes sa pagsunog umano sa dump truck sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay Senior Supt. Reycel Carmelo Dayon, hepe ng Talisay City Police, nasaksihan ng isang Edwin Manalo na sinilaban umano ng alkalde ang dump truck noong Marso 8.

Sinabi ni Manalo na namamasada siya ng tricycle nang mapadaan siya sa naturang lugar at nakita niya ang alkalde at anim na body guard nito nang silaban ng opisyal ang dump truck.

Agad na umalis si Delos Reyes at ang mga body guard nito makaraang silaban ang sasakyan.

National

Robredo, Pangilinan, Aquino, nag-reunion sa araw ng SONA ni PBBM?

Ang dump truck, na nakaparada sa tapat ng presinto, ay nahuli noong Disyembre makaraang magkarga ng buhangin at graba nang walang mga kaukulang dokumento.

Lumilitaw na mismong ang hepe ng Talisay City Police ang naghabla kay Delos Reyes dahil sa pagsunog sa dump truck na nagsisilbing ebidensiya sa kasong iniimbestigahan ng pulisya.

Pinabulaanan naman ni Delos Reyes ang paratang ng pulisya.