Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Betty” na may international name na “Bavi”.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong mahigit 1,500 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay ni “Betty” ang lakas ng hanging 65 kilometer per hour (kph) at may bugsong 80 kph.
Binalaan naman ng PAGASA ang mga residente ng Aurora dahil sa posibilidad na pag-landfall nito sa lugar sa kabila ng inaasahang paghina nito.
Ayon pa sa pagtaya ng PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil na rin sa bagyo.