Ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) – o ang House Bill 4994 – ay nagtatadhana sa Section 3 ng Article II, Territory, na ang core territory ng Bangsamoro ay bubuuin ng kasalukuyang geographical area ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), anim na munisipalidad sa Lanao del Norte, iba pang barangay sa anim na iba pang munisipalidad na bumoto para isama ang ARMM noong 2001, at ang mga lungsod ng Cotabato and Isabela.

Kabilang din dito ang lahat ng kalapit na mga lugar kung saan nagpapasa ng isang resolusyon o 10% ng rehistradong botante ang humihiling na isama sa Bangsamoro, dalawang buwan bago ang pagpapatibay ng BBL.

Anang Section 3: “The areas which are contiguous and outside the core territory may opt at anytime to be part of the territory upon petition of a least ten percent (10%) of the registered voters and approved by a majority of qualified voters in a plebiscite.”

Isa ito sa mga probisyon ng panukalang BBL, na umakit ng maraming pagbatikos, sapagkat nakatadhana rito na kahit aprubado na ang batas at naitatag na ang core territory, maaaring magpatuloy sa paglago ang Bangsamoro area. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pagkuha ng 10% ng mga botante ng kalapit na mga lugar na naghahangad na maisama, kasunod ang pag-apruba ng mayorya ng kuwalipikadong botante sa isang plebisito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang probisiyong ito ay bukas sa pagsasamantala. Maaaring unti-unting magpakilos ang isang organisasyon ng kanilang mga miyembro sa isang barangay o munisipalidad, o kahit na isang probinsiya, hanggang mabuo nila ang mayorya. Sapagkat sinasabi ng probisyon na “at any time,” maaring mangyari ito kahit anong oras sa hinaharap, nakabitin na parang isang Damocles Sword sa ibabaw ng mga ulo ng local government units (LGU) na ang mga nasasakupang mga lugar ay nasa mga hangganan ng Bangsamoro territory.

Sa isang public hearing na idinaos sa Kamara de Representantes, tinutulan ni Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle Climaco Salazar ang mga pagsisikap na isama ang lungsod sa Bangsamoro. Ayon naman sa Moro Islamic Liberation Front, may karapatan ang mga tao na magpasya sa ngalan ng paggogobyerno ng sarili. Ang kahalintulad na hinaing ay ipinahayag ni Lanao del Norte Gov. Mohammad Khalid Dimaporo na sumang-ayon sa isang plebisito sa anim na munisipalidad ng probinsiya na binabalak na isama sa core territory. Ngunit sa anim na munisipalidad lamang, kanyang iginiit.

Isasaayos ng plebisito ang core territory ng Bangsamoro, na nakatadhana sa panukalang BBL na nasa Kongreso ngayon. Ngunit ang posibilidad na magkaroon pa ng karagdagang teritoryo ang Bangsamoro sa hinaharap ang pinangangambahan ng mga lokal na opisyal. Lahat dahil lamang sa Section 3 ng Article II ng BBL.

The plebiscite will fix the core territory of Bangsamoro, as provided in the proposed Bangsamoro Basic Law now pending in Congress. But the possibility of the Bangsamoro gaining additional territory in the future is worrying local officials. All because of Section 3 of Article II of the BBL.

Hinihiling natin sa Kongreso na bigyan ang probisyong ito ng ibayong atensiyon, na alisin ang banta sa integridad ng lahat ng lalawigan at barangay na kalapit ng teritoryo ng Bangsamoro. Hayaang ang BBL ang umayos sa teritoryo at hayaan ding aprubahan ito sa isang plebisito. Ngunit pagkatapos nito, wala na sanang tuluy-tuloy na pagbabanta mula sa kahit na anong grupo na may layuning palawakin ang teritoryo at pahinain ang estabilidad ng anumang LGU na nasa mga hangganan ng Bangsamoro.