LAOAG CITY, Ilocos Norte – Isang apat na taong gulang na babae ang namatay makaraan siyang malunod sa Padsan River sa Barangay 7-A, Laoag City noong Marso 15.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Frechelle Luga, taga-Bgy. 7-A, Laoag City.

Napaulat na bago ang pagkalunod ay nagtungo sa ilog ang pamilya ng bata para mag-picnic, hanggang sa nagkayayaang maligo ang mga bata.

Ilang minuto ring hinanap ang biktima hanggang sa lumutang ito sa ilog. - Freddie G. Lazaro

Politics

Counterpart ni Barzaga? Sen. Imee, bet mag-apply na 'meow-meow' ng Senado—Sen. Ping