Aabot sa 1,987 livelihood starter kit, na may kabuuang halaga na P19.72 milyon, ang naibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga distressed overseas Filipino worker (OFW) na umuwi sa Pilipinas simula Enero hanggang Disyembre 2014, sa ilalim ng Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay program ng ahensiya.

Karamihan sa mga benepisyaryo ng Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay ay mga babae na nagtrabahong household service worker (HSW) o kasambahay, at caregiver habang ang iba ay mga lalaking skilled worker mula sa mga bansang nakararanas ng kaguluhan at tensiyong pulitikal, gaya ng Libya at Syria.

Ang nasabing starter kit ay ginamit sa pangkabuhayan tulad ng buy-and-sell, karinderya, food processing, salon, spa, cell phone repair, computer repair, electrical repair, bakery, dress-making, tailoring at paggawa ng kandila.

Nabatid na ang Balik-Pinas,Balik-Hanapbuhay ay isang one-time availment at non-cash livelihood assistance na ipinagkakaloob sa nagsibalikang OFW na nawalan ng trabaho dahil sa giyera at kaguluhan dulot ng pulitika sa pinuntahang bansa, minaltrato o biktima ng human trafficking.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists