Pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na simulan na ang pagtitipid sa paggamit ng tubig upang makaiwas sa kakapusan ng supply nito ngayong summer.

Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, malaking tulong ang pakikiisa ng sambayanan sa kanilang isinusulong na hakbang para maibsan ang posibleng maranasan ng bansa na kakapusan ng tubig at forest fire, kapag nagtipid ang taumbayan sa tubig.

“Makatutulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagtitipid ng tubig dahil patuloy nang bumababa ang lebel ng tubig sa mga dam,” wika ni Paje.

Idinagdag ni Paje na ang pagtitipid sa tubig ay malaking tulong din sa sektor ng agrikultura at paggamit ng suplay ng kuryente.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69