KAMAKAILAN habang patungo sa typewriter shop ay huminto si Tom Hanks upang tumulong sa girl scouts na nagbebenta ng cookies.

Kasama ni Hanks nang araw na iyon ang kanyang anak na lalaki na si Truman, 19, Stanford University student sa Los Altos, suburb ng San Francisco noong Pebrero 28.

Ayon sa Los Altos Town Crier (!!!), bumili si Tom ng apat na kahon ng cookies at nagbigay ng karagdagang $20. Habang papaalis na siya ay isang babae ang nagpakuha ng litrato sa kanya. At nang may napadaan para humiling din na magpakuha ng litrato, sinabi ni Hanks na papayag siya, “Only if you buy cookies from these young ladies.”

“I’m still on cloud nine,” pahayag ni Archana Appanna, ina ng isa sa mga girl scout sa Crier. “We did not know who he was [at first] because he covered his face with a baseball cap and glasses. He was so personable, so down to earth.” - Yahoo News/Celebrity
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25