Nananawagan ang mga kongresista mula sa Nationalist People’s Coalition (NPC) sa muling pagbuhay sa Reserved Officer Training Corps (ROTC) bilang requirement sa kolehiyo kasabay ng kanilang babala laban sa patuloy na pagtatayo ng China ng mga istruktura sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Sinabi nina Valenzuela City Rep. Win Gatchalian at Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza na ang pagtitirik ng China ng mga istruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo ay dapat na ikabahala ng gobyerno ng Pilipinas.
Hinimok ni Gatchalian, miyembro ng House Committee on Foreign Affairs, ang gobyerno na himukin ang China na tigilan ang pagtatayo ng mga istruktura sa West Philippine Sea at tumalima sa Declaration on the Conduct ng mga partido sa South China Sea signe din noong 2002.
Batay sa nasabing deklarasyon, pinagbabawalan ang lahat ng claimant sa anumang hakbangin na magpapalala sa tensiyon o gagawing komplikado ang territorial dispute.
Dahil dito, sinabi ni Gatchalian na panahon nang ikonsidera ng Malacañang ang pag-obliga muli sa ROTC training sa kolehiyo upang madagdagan ang reservist ng bansa. - Ben R. Rosario