LALONG tumitindi ang iringan. Naghain ng restraining order si Pamela Anderson laban sa kanyang dating asawa na si Rick Salomon, ayon sa ulat ng TMZ. Tila bilang ganti, inakusahan naman ni Solomon ang Baywatch actress na ito ay “serial baby killer.”

Nagpadala rin umano ito ng email na nagsasabing maraming beses na umanong nagpalaglag si Anderson. “I did not no (sic) she was a serial baby killer to her husbands... she should be locked up,” at idinugtong na nakiusap sa kanya si Pamela na bigyan ito ng anak ngunit pinalaglag din naman.

Samantala nagpadala si Anderson, 47, ng text mula kay Salomon at sinabing: “You never disclosed to me that you (redacted) a baby when you were married to kid rock. I heard you begged him to get pregnant with him too. I also heard it might have also been twice with him.” (Kasal si Anderson kay Kid Rock simula Augosto 2006 hanggang Pebrero 2007.)

Sinabi rin ni Anderson na dinuraan siya ni Salomon sa mukha at sinakal at tinakpan ng unan sa mukha habang nagtatalik noong Enero. - Yahoo News/Celebrity
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian